Tuesday, August 4, 2009

Para Kay B -- Review


For those people who love Bob Ong, Like me, I think Ricky Lee ang isa pang writer na mamahalin natin.. Humorous and light lang ang style of writing niya..

I love the story of this book.. Simple pero may dating. Funny ang story pero may lesson naman na makukuha.

This book is about 5 people who fell in love, but experienced different situations.
  • Irene - nainlove sa memory
  • Sandra - nainlove sa sariling kapatid
  • Erica - huli na ng narealize na mahal niya ang taong sobrang nagmamahal sa kanya
  • Ester - nagmahal sa kapwa niya babae, matagal na itinago ang tunay na pagkatao
  • Bessie - huli na ng naappreciate niya ang pagmamahal ng iba sa kanya
Lahat ng naexperience nila, ay reality. Habang binabasa ko itong libro, halo-halo ang emotion ko. Minsan, naiiyak na ako, nababagbag, tapos biglang matatawa. Nakakarelate kasi ako sa stories. Narealize ko dahil sa book na ito na talagang iilan lang ang nakakaexperience ng happy relationship. Ang iba, mahal ang taong may mahal na iba, o kaya mahal ang taong committed na, or naiinlove sa taong hindi niya pwedeng mahalin, or mahal ng taong hindi nila gusto. Sobrang complicated.

Share ko lang ang ilan sa mga quotable quotes ni Ricky Lee:

-- "Ang iba'y iibig sa bahay, kinikilig kapag hinahaplos ang barandilya, nalilibugan sa mga kisame, pinagnanasaan ang sahig."

-- "Habang lumalangoy sa ilalim ng sapa ay pinagtitinginan si Erica ng mga isdang hindi marunong magmahal, at mga palakang ang kokak ay walang romansa, at ng mga seaweeds na tuyot. Patuloy siyang lumangoy nang lumangoy. Hanggang sa makita niyang naiba na ang lahat, ang mga isda ay naghahalikan, ang mga palaka ay malambing magkokak, at ang mga seaweeds ay buntis."

Kakaiba diba. ;)

No comments: